Thursday, November 02, 2006

mrt at lrt..>

nakasakay ka na ba ng mrt?


ng lrt?


ng bus?


ng jeep?


ng barko?


ng eroplano?


haii mga pampublikong sasakyan... pero mas maigi kung gagamit ako ng partikular na PUV ang MRT.... kahit sino pwedeng sumakay. may mga ppagkakataong masikip na ito, kaya minsan, may mga pasaherong bumababa... mga dahilan? ung iba, naiirita sa kapwa pasahero,.. di na kinakaya ung kompetisyon.. ung iba, sadyang .... minsan din, may mga pasaherong sumasabit at nagtitiis na umaasang makakaupo sa upuan .. ang malala nito, may mga nagbabangayan na sa loob ng MRT. although hindi pisikal, or hindi rin verbal, nagkakaroon parin ng inis... kahit sa mga magbabarkadang sumasakay dito... tuloy, ang MRT pa ang nagiging dahilan... sa hinaba haba man ng biyahe, iisa lang ang patutunguhan nito,.. pagsapit ng gabi, magsasara na ang mrt, kahit kailan hindi mo ito masasakyan habangbuhay... dahil di mo maaangkin ang mrt...



gayumpaman, hindi mo dapat pagtuunan ng pansin ang iyong pagbaba sa mrt... ang mahalaga ay ang panahong nakasakay ka dito at minsan sa buhay mo, komportable kang nakaupo at masaya habang tinatahak ang riles ng tren na ito.,.