Saturday, May 20, 2006

I CANT BELIEVE IT>

di parin ako makapaniwala... parang nananaginip lang ako. ang hirap isuksok sa utak na may isang batchmate kang nawala dahil lang sa isang walang kakwenta kwentang aksidente. hindi nman kami ganon kaclose ni andrew.. pag nagkikita, minsan nag hahi... nakikita sa corridor sa claret nakikipagbungisngisan sa mga kaklase... masayang masaya. isang beses nga naging kakumpitensya ko pa sa bagay na talagang kinakareer ko ... sa pagsayaw. hahaha! halakhak nga... halakhak ng pagkawala ng sanity ko. exaggeration? almost,... ung feeling ko eh parang isang RPG lang ang lahat, na lahat ay pwedeng ibalik at iload game... o kaya parang minsan naiisip ko na "hinde, sa pasukan lang magkikita kami." pero bigla mo nalang maiisip na... oo nga pala, yumao na siya... biglaan talaga. state of shock? almost!... di lang talaga ako sanay sa mga bagay na ganito.. (sino ba ang sanay? wala!) dito mo maiisip na ung problemang kinakaharap mo ngayon ay maliit lang kumpara sa pagkawala ng isang mahal sa buhay lalo na sa kalagayan ng pamilya ni andrew.. sa ama... sa ina dahil mas masakit para sa nanay ang makita ang anak sa kabaong kaysa ang sa anak na makita ang ina... ngayon pa lang... parang nakakamiss na siya ... nagkacrush nga ako kay andrew nung second year... plano ko nga na sabihin this coming school year sa mga bet ko at magconfess kung ano ang nafefeel ko sa kanila... but in drew's case... i guess its too late...

ito nga pala, para sayo ito..


lumuluha ang kalangitan
waring nakikiluksa sa iyong pagkawala..
ang bawat patak nito'y katumbas ng pagkalugmok ng damdamin
nagnanais ika'y makapiling pa...
ngunit siya's nasa malayong lugar na
kung saan di abot ng tanaw
di abot ng mga yapak
ngunit abot ng ating puso...
abot ng bawat lukso ng dugo na nagsasabing magpatuloy ka
kulang ang bawat salita upang maipahayag na ayaw ka naming mawala...
dahil ang buhay na ito's hiram lamang...
hiram natin sa Diyos na maygawa ng lahat
at ngayon, siguro's kailangan na siya ng Panginoon
upang tayo'y mabantayan at ibalik sa tamang landas...
sa pagtatapos ng munting alay na ito...
2 bagay lamang ang pabaon namin sayo...
habang buhay ka naming mamahalin...

at......


hanggang sa muli...